-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsama-sama ang mga bayan mula sa ikatlong distrito ng Cotabato upang tanggapin ang ayudang mula sa tanggapan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go sa pakikipagtulungan kay Vice Governor Emmylou Taliño-Mendoza at sa pamamagitan ng DSWD.

Abot sa 81 na mga residente ng bayan ng Kabacan ang tumanggap ng pinansyal na ayuda.

Nagpasalamat naman si ABC President Evangeline Pascua-Guzman sa pamunuan ni VGov. Mendoza at naisakatuparan ang nasabing aktibidad.

Ang nasabing programa ay naiangkla sa Assistance to Individuals in Crisis o AICS ng DSWD.

Nagpaalala si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa mga tumanggap ng tulong na gamitin ng tama ang pera para sa pamilya at wag sa bisyo.