BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga sa kanilang strategic planning kasama ang World Food Programme (WFP) para sa augmentation support na maibigay ng WFP bilang tulong sa mga pamilyang apektado ng bagyong Odette.
Bilang bahagi ng strategic planning, sinuring mabuti ng dalawang kampo ang available data na makakatulong sa kanila para sa epektibong pagsasagawa ng systematic at coordinated relief efforts at interventions para sa mga apektadong komunidad.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Marko Davey Reyes, ang Regional Information Officer ng DSWD- Caraga, na nag-augment na sila ng staff ng kanilang tanggapan para sa pag-monitor sa emergency operation center sa apektadong lugar at pagbibigay ng assistance sa mga apektadong residente.
Naihatid na rin sa tatlong areas sa Province of Dinagat islands, bayan ng Dapa ug Surigao City ang iilang mga family food packs kungsaan as of December 27, nakapagpalabas na sila ng 61,603 na mga family food packs para sa mga lungsod at munisipyo nitong rehiyon na nag-request ng assistance.
May susunod pang 20,000 in-transit na mga relief goods para sa mga apektadong Local Government Units (LGU’s).