-- Advertisements --

Nagtulong na sa PNP Cybercrime division ang actress na si Aiko Melendez dahil sa paninira ng isang netizen sa anak nitong si Andre Yllana.

Kasama ng mag-ina ang nobyo nitong si Zambales Vice Governor Jay Khonghun at idinetalye ang nasabing pagbabanta sa opisina Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp, Crame sa Quezon City.

Sa social media post ng actress pinasalamatan nito ang PNP dahil sa agarang pagbibigay atensiyon sa kaniyang reklamo kung saan agad na natukoy nila ang nasa likod ng pagbabanta.

Magugunitang isang Twitter user na nagpakilalang si @jakolinks ang nagsabing may hawak itong sex scandal video sa 21-anyos na anak ng actress sa dating asawa na si Jomari Yllana.

Hinamon nito ang nitezen na ilabas dahil tiyak niya na walang katotohanan ang nasabing bintang sa anak.