Hinamon ni Aiko Melendez ang isang netizen na ilabas ang sinasabing sex scandal video ng anak nila ni Jomari Yllana na si Andre.
Sa kaniyang social media post, nagpost ito ng screenshot sa post ng isang @Jakolinks na nagsasabing may hawak itong video scandal ni Andre.
Sa nasabing post, ilalabas niya ang nasabing scandal kapag umabot sa 25,000 ang kaniyang followers.
Sinabi naman ng actress na dapat iniisip mabuti ng netizen ang ipinopost sa social media para hindi niya ito ikapahamak.
Maging ang anak nitong si Andre ay sumama na rin sa hamon na ilabas ang nasabing sex scandal.
Tiniyak ni Andre na wala itong anumang scandal kay at ang lumang mga larawan pa na ipinapakita ng netizen mula sa kaniyang lumang Instagram account na hindi na aktibo mula pa noong 2017.