-- Advertisements --
aiko jay 2
Actress Aiko Melendez and her boyfriend newly-elected Zambales vice governor jay Khonghun.

Pinabulaanan ng aktres na si Aiko Melendez ang usap-usapan na pinalayas umano siya ni newly-elected Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa bahay nito.

Personal na ikinampanya ng aktres si Khonghun sa katatapos lamang na halalan.

Sa inilabas na statement ni Melendez sa kanyang official Facebook account, nilinaw nito na hindi siya pinalayas ng bise gobernador at kusa nitong kinuha ang kanyang mnga gamit sa bahay ni Khonghun dahil 45 araw lang umano ang kanilang usapan.

Kinakailangan daw kasing bumalik ni Aiko sa kanyang bahay sa Quezon City upang makasama ang kanyang mga anak.

Dagdag pa ng aktres na hindi naman daw sila magka-live-in ng kanyang vice governor na kasintahan.

Inamin din ng aktres sa naturang post na kasalukuyang may pinagdadaanan ang kanilang relasyon ngunit hindi raw ibig sabihin nito ay magkahiwalay na sila.

Sinusubukan umano ng dalawang kampo na isalba pa ang kanilang relasyon.

Kamakailan lamang ay tumungo mag-isa si Aiko sa Amerika upang sundan ang kanyang dalawang anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain na kasalukuyang nagbabakasyon doon.

Ayon pa kay Aiko, tulad lang din daw sila ng ordinaryong magkasintahan na nakakaramdam ng selos kahit sa maliliit na bagay.

Bukas naman daw ang aktres sa posibilidad na hindi sila magkatuluyan ni Khonghun ngunit patuloy daw ang kanyang pagdarasal na kung sino man ang ipalit nito sa kanya ay tuluyan silang maging masaya.

Nitong nakaraang kumpanya nang magsampa ng kasong libel ang aktres laban kay incumbent Zambales vice governor Angelica “Angel” Magsaysay-Cheng kasunod ang pagkakadawit nito sa black propaganda na di-umano’y sangkot siya sa illegal drugs.

Pati na rin ang pagkakasama ni Khonghun sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).