-- Advertisements --

Plano ng actress na si Aiko Melendez na tumakbo bilang congressman sa ika-limang distrito ng Quezon City.

Sa kaniyang Instagram account, ibinunyag nito na maraming mga kababayan niya ang nagtutulak para ito ay tumakbo sa nasabing posisyon.

Dagdag pa nito na siyam na taon itong naging konsehal at maipagmamalaki niya ang kaniyang sapat na karanasan.

Nais din niya na tumaas na ang level ang kaniyang pagbibigay serbisyo.

Nilinaw nito na hindi niya makakatapat sa pagtakbo ang actor na si Arjo na tatakbo sa kongreso sa unang distrito ng Quezon City.

Magugunitang hinangaan ang actress ng kaniyang mga fans kamakailan dahil sa ginawa nitong pagpapayat kung saan mas lalong bumata ito.