-- Advertisements --
air asia
air asia

Nagpahayag ng pakikipagtulungan ang Air Asia sa Department of Health (DOH) na magbigay ng flight details sa mga nakasalamuha ng pinakahuling nadapuan ng coronvirus.

Sa inilabas na pahayag ng airline company, handa nilang ibigay ang anumang detalye gaya ng contact details ng mga pasahero na kasabay ng 60-anyos na babaeng Chinese.

Kanila na ring na-quarantine ang mga flight crew bilang pagsunod na rin sa ipinapatupad ng travel ban ng gobyerno.

Magugunitang bumalik sa Shenzhen, China sa pamamagitan ng Air Asia Flight ang pasyente na galing sa Cebu noong Enero 31 matapos ang initial test na isinagawa ng Victorian Infectious Disease Reference Laboratory sa Melbourne, Austraila at sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa.