Nagsagawa ng Air Assault Exercises sa Zambales ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines bilang bahagi pa rin ng pinakamalaking joint military exercises na Balikatan 2023.
Sakay ng dalawang Black Hawk Combat Utility Helicopters ng 205th Tactical Helicopter Wing ay ipinamalas ng 72 fully equiped Army troopers mula sa 103rd Infantry “Mabalasik” Battallion, 5th Infantry Division ang kanilang mabilis na deployment sa mga conflict areas.
Layunin ng training exercise na ito na pag-igihin pa ang joint interoperability ng Air and ground combat forces ng Armed Forces of the Philippines na sinaksihan naman ng mga tropa ng US military.
Dito ay kapwa binigyan ng pagkakatain ang mga aircrew at tropa na maranasan at maging pamilyar sa tamang pagsasagawa ng heliborne assault operations.
Ang simulation ito ay inaasahang palalakasin pa ang kapabilidad ng AFP sa pagpapadala ng mag puwersa sa mga engagement area kasabay ng pagtukoy at pagtugon sa iba pang necessary gaps na posible nitong kaharapin sa hinaharap.