Nakahanda na ang air at naval assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para ideploy at ilikas ang mga kababayan nating mga OFW na nasa Iran at Iraq.
Ang mga bagong biling barko at C-130 aircraft ng AFP ang inihanda para sunduin sakaling matuloy ang repatriation ng mg Pinoy OFW.
Una ng ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP na ihanda ang kanilang mga eroplano at barko.
Ito ay kung may pangangailangan ng ilikas ang mga Filipino sa dalawang bansa dahil na rin sa umiinit na gulo sa pagitan ng Estados Unidos at Iran dahil sa pagkakapatay ng Top Iranian General na si Qassem Soleimani.
Ayon sa bagong talagang AFP chief of staff Lt Gen Felimon Santos Jr na naghihintay na lamang sila ng go signal sa Malacanang at Department of Foreign Affairs para ideploy na ang kanilang mga Assests.
Magiging prayoridad aniya nila ay ang paglikas sa mga Filipino.
Sa ngayon pinag-aaralan nila ang mga strategies na gagawin kung paano ligtas na maililikas ang mga Filipino sa Middle East partikular sa Iran At Iraq.