Sinimulan na ng Air Force ng Pilipinas at Estados Unidos ang ikalawang edisyon ng Cope Thunder exercises sa Clark Air Base sa Mabalacat, Pampanga.
Ayon kay PAF spokesperson Ma. Col. Consuelo Castillo, tinatayang nasa 1,000 PAF personnel ang kalahok sa naturang pagsasanay na sesentro sa palitan ng expertise sa pagpapaplano at execution ng iba’t ibang military missions kasama ang kanilang counterparts mula sa US Pacific Air Force.
Magtatagal ang joint drills para sa Cope Thunder 2024-2 sa Hunyo 28 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Col. Castillo layunin ng naturang pagsasanay na maitaguyod ang interoperability ng sandatahang lakas may kinalaman sa pagsasanay sa pagsasagawa ng air at ground operations.
Matitiyak din aniya nito ang isang maayos na kolaborasyon at epektibong pagtugon sa real-world scenarios.
Matatandaan na isinagawa ang unang bahagi ng Cope Thunder noong Abril 18 hanggang 19 na pangunahing nakatutok sa large-force deployment exercises.