Handa umano ang Philippine Air Force (PAF) na i-take over ang pagbabantay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakaling ito ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PAF Spokesperson Maj. Aris Galang, kung sakaling atasan sila ng Pangulong Duterte, ito raw ay bahagi lang ng kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Sinabi pa ni Galang, laging handa ang PAF sa anumang puwedeng mangyari.
Matatandaang nagsagawa ng surprise inspection ang Pangulong Duterte sa NAIA terminal 2 matapos makatanggap ng mga reklamo ng mga naaantala at nakakanselang flights.
Dito ay sinabi ng Pangulong Duterte na marami ang posibelng madisgrasya kung lumala ang sitwasyon sa NAIA, at kung hindi pa rin maayos ay ipapauubaya na niya sa Air Force ang pagbabantay sa mga paliparan.