-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na malaki ang ibinaba ng antas ng polusyon sa hangin sa Metro Manila sa unang araw ng 2021.

Sa isang pahayag, sinabi ng DENR na bumaba ng 59% ang air pollution level sa unang araw ng taon.

Malaki aniya ang naitulong ng suporta ng mga alkalde sa Kamaynilaan para sa pagpapatupad ng ban sa paggamit ng paputok.

Base na rin ito sa anim na air quality monitoring stations ng DENR-Environmental Management Bureau (EMB) sa Caloocan, Marikina, Navotas, Pasig, Parañaque at Taguig.

“Last year, the 6 AQMS yielded an average of 213 ug/Ncm, thereby accounting for a 59-average percent drop compared to its New Year’s Eve (NYE) data in January 1, 2020,” saad sa pahayag.