Target ngayon ng militar sa Marawi city ang mga snipers ng teroristang Maute na nakatalaga sa mga high-rise buildings na isa sa malaking hadlang ng government forces para tapusin na ang giyera sa nasabing siyudad.
Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesperson Lt. Col. Jo Ar Herrera na ang dahilan sa paggamit muli ng militar ng air strikes ay dahil nga sa mga nakatalagang snipers ng teroristang Maute.
Paliwanag ni Herrera na kapag hindi nila ginamitan ng air strike ay lalong dadami ang casualties mula sa government forces.
Ibinunyag din ni Herrera na tukoy na rin nila ang ilang mga defensive positions na sa ngayon ay subject ng kanilang surgical airstrikes.
Ibinunyag din ng AFP na nasa 80 pang mga Maute terrorists ang nananatili sa Marawi at patuloy na nakikipag laban sa mga sundalo.