-- Advertisements --

Magdadagdag ang AirAsia Philippines ng mas maraming domestic flights kada linggo sa mga pangunahing tourist destinations kabilang ang Boracay, Puerto Princesa at Cebu matapos makitaan ng pagtaas sa mga bookings simula sa Abril 1.

Ayon sa low cost airline, tataasa nito ng 10 beses ang weekly flights frequencies sa Kalibo, Boracay, Iloilo, Tacloban, Panglao, Puerto Princesa, Bacolod, Davao at Cebu sa susunod na buwan bilang paghahanda na rin sa pagdating ng mga banyagang turista sa bansa at pagluluwag ng mobility restrictions.

Sinabi ni AirAsia Philippines spokesperson Steve Dailisan na ang influx ng foreign tourists sa bana ay tiyak na makakatulong sa pagpapalakas sa recovery ng Philippine aviation industry.

Aniya, tumaas ang forward booking ng airline company mula 30 hanggang 60 araw dahil sa pagnanais ng mga guest bumiyahe.

Ayon pa kay Dailisan na nakikitang 97% ang itataas sa flights sa buwan ng Abril sa mga top spots gaya ng Boracay, Bohol, Cebu, Kalibo at Puerto Princesa kung saan maraming nagpapabook sa mga destinasyon na ito.

Paalala naman ng AirAsia na tanging ang vacciantion cards ang kailangan para sa mg fully vaccinated na foreign visitors.

Simula naman a Abril 8, isasama na sa route network ng airline company ang Dumaguete City na siyang gateway sa Negros Oriental tuwing Lunes, Miyerkules, biyernes at Linggo.

May alok ding add-on comprehensive travel insurance ang airline na abot kaya lamang na nasa P230 para as mga foreign at local travelers bilang karagdagang proteksyon at kaligtasan.