-- Advertisements --

Kinumpirma na ng World Health Organization (WHO) ang posibilidad ng airborne transmission ng coronavirus infectious disease. Ito’y makaraang hikayatin ng daan-daang siyentipiko ang naturang international body para pag-aralan ang pagkalat ng deadly virus sa hangin.

Una nang sinabi noon ng WHO na ang tanging paraan lamang upang kumalat ang virus ay sa pamamagitan ng respiratory droplets na naipapasa kapag nagkaroon ng close contact ang isang indibidwal sa taong infected ng naturang sakit.

Batay daw kasi sa isinagawang pag-aaral ay nabatid na bukod sa close contact ay posible ring kumalat ang virus sa mga indoor crowded spaces tulad ng opisina, simbahan, restaurants at gym.

Ibig sabihin lamang nito na ang virus aerosols ay kayang manatiling infectious sa hangin sa loob ng ilang oras. Subalit pinabulaanan naman ito ng ibang eksperto. Anila kinakailangan pang pag-aralan ng mabuti

Inilabas ng international body ang naturang report kasunod ng natanggap nilang sulat mula sa isang academic journal na umaapela sa medical community na kilalanin.

“There is significant potential for inhalation exposure to viruses in microscopic respiratory droplets (microdroplets) at short to medium distances (up to several meters, or room scale), and we are advocating for the use of preventive measures to mitigate this route of airborne transmission,” saad ng mga doktor sa liham.

“Hand washing and social distancing are appropriate, but in our view, insufficient to provide protection,” dagdag pa ng mga ito.