-- Advertisements --
Nakatakdang i-deploy ng United Kingdom sa West Philippine Sea ang kanilang pinakamalaking aircraft carrier.
Mayroong 28 na linggong world tour ang HMS Queen Elizabeth na sakop ang 26,000 nautical miles mula sa Mediterranean patungong Philippine Sea.
May lulan ito ng 1,700 UK navy, air force at marine personnel ganon din ang 250 US marines.
Mismong si Queen Elizabeth II ang nanguna para sa “sent-off” ceremony.
Paglilinaw naman ng tanggapan ng British defense secretary ang simpleng paglalayag ang gagawin nila ay walang anumang komprontasyon na magaganap sa ilang mga bansa.