-- Advertisements --
US warship gerard ford

Isinailalim ng US Navy sa serye ng tests ang kanilang pinakabago at tinaguriang most advanced aircraft carrier sa pamamagitan nang pagpapasabog ng napakalakas na bomba upang malaman kung handa na ito sa giyera.

Ang pag-testing na ito ay tinawag na Full Ship Shock Trials kung saan pinakawalan ang malakas na eksplosibo malapit sa nakalutang na aircraft carrier na USS Gerald R. Ford.

Ayon sa statement ng US Navy pinasabog nila sa bahagi ng Atlantic Ocean malapit sa Florida coast ang 40,000-pound (18,144-kilogram) na bomba na sinabayan nang pag-alimbukay ng tubig sa dagat kung saan ito sumabog.

Iniulat naman ng US Geological Survey na nairehistro ang giant explosion na katumbas ng 3.9 magnitude earthquake.

Matapos ang trial, ang bagong warship ay sasailalim sa maintenance at repairs.

Tiniyak naman ng Navy na bago ang pagpapasabog dumaan muna sila sa masusing pagsusuri para maibsan ang epekto sa kalikasan o marine life sa test area ng karagatan.