Apat na beses chinallenge ng China ang PAF C130 aircraft patungong Pag-asa kung saan sakay si Defense Secretary Delfin Lorenzana at mga miyembro ng media.
Batay sa radio message ng China na lumilipad umano ang Philippine aircraft sa kanilang teritoryo at dapat umalis ito.
Pero sumagot naman ang mga piloto ng C130 na ito ay lumilipad sa teritoryo ng Pilipinas.
Hindi lamang ang C-130 plane ang chinallengr kungdi maging ang C295 aircraft na nauna sa isla kasama si AFP chief of staff Lt. General Eduardo Año.
Ang ginawang pag challenge ng Beijing ay kinumpirma mismo ni Sec Lorenzana.
Sinabi ng kalihim na normal umano itong ginagawa ng China sa tuwing lumilipad sa Kalayaan Group of Islands ang mga aircraft ng Pilipinas.
Ayon sa kalihim ang mga nasabing challenge ng China sa mga aircraft ng AFP ay hindi naman humahantong sa mainit na komprontasyon.
Inihayag din ni Lorenzana na nagmula sa may bahagi ng Subi Reef ang challenge sa dalawang aircraft ng AFP.
Aniya may mga monitoring and radar equipment na inilagay ang China sa Subi Reef na kanilang inangkin na bahagi pa ng teritoryo ng Pilipinas.