-- Advertisements --

dagit

Nagpakitang gilas ang Philippine Navy helicopter 432 sa isinagawang airlift drill na magagamit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang sea operations sa West Philippine Sea.

Ginanap ang airlift drill sa San Antonio, Zambales bilang bahagi ng AFP Joint Exercise DAGIT-PA.

Ipinakita ng Navy helicopter ang kaniyang Vertical Replenishment (VERTREP) capability gamit ang cargo hook suspension system.

Isinagawa ang drill sa landing dock vessel na BRP Tarlac na naka-station 1.3 nautical miles sa west Capones Grande.

Ayon kay AFP spokesperson at Exercise Director M/Gen. Edgard Arevalo, mahalaga ang VERTREP capabilitty sa kanilang operasyon lalo na kung imposible ang ground and water transport para sa mga armed units.

dagit1

Sinabi ni Arevalo maaaring gawin ang ship-to-ship reprovision at replenishment ng mga units lalo na doon sa mga sundalong naka-station sa West Philippine Sea.

Ipinakita nin sa nasabing military exercise ang Flight Deck Operation ng Navy’s Augusta Westland AW109 helicopters, layon nito na mapalakas pa ang skills and capability ng mga personnel.

Isinagawa rin ang Well Deck Operation sa BRP Davao Del Sur kung saan makikita ang pagsakay ng Assault Amphibious Vehicles (AAVs) ng Philippine Marine Corps.

Ayon kay Arevalo, sa nasabing exercise nasusubukan ang capabilities and competencies ng AFP sa amphibious landing operations sa pamamagitan ng sea, air, at land assets.

Layon ng nasabing AFP-wide exercise ay para mapalakas pa ang operational effectiveness and contingencies ng AFP sa maritime security, territorial defense, counterterrorism, at natural disasters and calamities.

Nais din ng AFP mapalakas pa ang interoperability ng mga sundalo mula sa Phil. Navy, Phil. Air Force at Phil. Army sa gagawing joint operation.