-- Advertisements --
Russian businesswoman Natalia FIleva died tragically in a plane crash near France.

Patay ang isa sa pinaka mayamang babae sa Russia at major shareholder ng Siberia Airlines matapos bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano.

Batay sa Forber Magazine, si Fileva Natalia, 55-anyos, ay may yaman na umaabot ng $600 million o halos 31 billion pesos.

Ayon sa mga otoridad, lumipad galing France ang nasabing eroplano ng bigla na lamang itong nawala sa radar.

Dagdag pa ng mga ito, patay din ang isa pang pasahero pati na rin ang piloto ng eroplano.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa tunay na dahilan ng pagbagsak ng eroplano.