-- Advertisements --
Nagbabala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga airline companies na sinasadayang i-delay o kanselahin ang ilang mga flights.
Sa isang statement, pinaalalahanan ni MIAA General Manager Ed Monreal nitong araw ang mga airline companies na huwag abalahin ang mga babiyaheng mga pasahero.
Kahapon, sinabi ng airport authorities na walang pinsalang naitala sa runway at taxiway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Wala ring napaulat na sira sa mga terminal buildings kasunod ng inspeksyon na ginawa ng MIAA.
Tiniyak ni Monreal ang mga pasahero na gumagamit ng mga terminals ng NIAA na “business as usual” at walang dapat ika-alarma kasunod ng malakas na lindol kahapon.