-- Advertisements --

Inanunsiyo ng mga pangunahing airlines companies sa bansa na tanging mga essential travels lamang kanilang papayagan kapag nagsimula ng ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6-20.

Ayon sa Philippine Airlines (PAL) na ang mga domestic flights ay limitado lamang sa mga essential travelers kabiang ang National Capital Region (NCR) Plus residents na babalik sa Metro Manila.

Tuloy pa rin ang mga International at domestic flights basta ito ay naaayon sa travel restrictions na may kinalaman sa travel protocols.

Nagbawas na rin at nagkansela ng ilang mga flights dahil sa travel restrictions na ipinapatupad.

Parehas din na ganito ang ipapatupad ng Cebu Pacific at Air Asia kaya nanawagan sila mga apektadong pasahero na apektado ng travel restrictions na maari nilang i-refund ang kanilang mga bayad.