Sinampahan ng kaso ang mekaniko ng American Airlines dahil sa tangkang pagsabotahe nito.
Si Abdul-Majeed Marouf Ahmed Alani ay sinampahan ng kasong pagsira ng eroplano.
Isinagawa nito ang insidente bago pa man lumipad ang eroplano mula Miami International Airport patungo sa Bahamas na mayroong 150 pasahero.
Nakasaad sa reklamo sa korte na noong Hulyo 17 ay tinangka ni Alani na sirain ang air data module (ADM) system ng eroplano na siyang mahalaga para sa recording ng speed, pitch at ilang critical data ng eroplano.
Inamin ni Alani na tinampered niya ang ADM system sa pamamagitan ng paglalagay ng foam para hindi ito gumana.
Nilinaw nito na wala itong intensiyon na saktan ang mga pasahero.
Nais lamang niyang tumagal ang pagtatrabaho para makakuha ng overtime.