-- Advertisements --

Hindi magtataas ng pamasahe ang mga airlines sa ngayon sa kabila ng mataas na presyo ng langis ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) .

Sinabi ni CAB operations head Eldric Peredo ang kasalukuyang pamasahe sa airlines ay pasok sa ipinapatupad na range.

Sa pagmomonitor aniya ng CAB , hindi pa lumalagpas o hindi pa naabot ang pinkamataas na antas sa mga fare ranges ng mga airline.

Subalit ang mga aviation industry aniya ay gumagamit ng isang mekanismo ang tinatawag na fuel surcharges na idinadagdag bukod sa base fare na binabayaran ng mga pasahero kapag may paggalaw sa presyo ng langis sa buong mundo kagay na lamang ng nararanasan ngayon.

Sa ika-12 pagkakataon ngaying taon ay nagkaroon nanaman ng pagtaas sa prsyo ng mga produktong petrolyo kung saan umakyat sa P8.65 ang kada litro ng diesel, P3.40 per liter ng gasoline, at P9.40 per liter ng kerosene.