-- Advertisements --

Nagsunuran na rin ang iba pang mga airline companies na isuspinde ang biyahe patungo at palabas ng China.

Tulad na lamang ng Dutch airline na KLM, ang Delta Air Lines ay pansamantalang binawasan ang mga biyahe sa pagitan ng US at China.

Ang Germany’s Lufthansa airline ay kanselado rin hanggang Feb. 9 ang mga biyahe.

Ang American Airlines ang ikalawa sa US carrier na sinuspinde ang biyahe dahil din sa pangamba sa deadly Wuhan coronavirus.

Kabilang din sa suspindido ang biyahe ay ang British Airways, United Airlines, Air Asia, Cathay Pacific, Air India at Finnair na nagbabalak bawasan din ang biyahe dahilan sa coronavirus at paghina na rin ng bilang ng mga turista.

Mula naman sa Pilipinas, sumunod na rin ang PAL at Cebu Pacific na gagawing limitado ang mga biyahe sa ilang Chinese cities.