Pinalakas pa ng pamunuan ng OWWA Regional Welfare Office 7 ang pagbibigay nito ng airport assistance sa lahat ng mga OFWs na nagkaroon ng problema sa bansang pinagtatrabahuhan nito.
Ito ay para sa mga manggagawang Pilipino na dumating sa lalawigan ng Cebu at Bohol mula noong Abril 16 hanggang Abril 20 ng kasalukuyang taon.
Batay sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration , dalawang OFWs mula Saudi Arabia na nakauwi ng bansa ang kanilang nabigyan ng tulong.
Ang mga ito ay sinasabing nakaranas ng pagmamaltrato sa kanilang mga employer kung saan tinulungan ng ahensya para transportasyon ng mga ito para makabalik sa kanilang mga bayan sa lalawigan ng Cebu.
Parehong araw din ng mabigyan ng ahensya ng tulong ang isang OFW mula Japan .
Kabilang sa tulong na naibigay ay medical assistance kasama ang isa mga miyembro ng kanyang pamilya .
Umasiste rin ang OWWA para mapauwi ng bansa ang mga labi ng OFW na nasawi sa Saudi Arabia kung saan ito nagtatrabaho bilang electrical technician.
Ilan lamang ito sa mga nakatanggap ng tulong sa OWWA sa loob ng naturang period.
Tiniyak rin ng ahensya na magpapatuloy ang ganitong mga programa para sa lahat ng mga manggagawang Pilipino.