-- Advertisements --

Itinanggi umano ng personnel ng Office of the Transportation Security (OTS) na siya ang nasa likod ng pagkawala ng pera ng isang pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sinabi ni OTS administrator Undersecretary Mao Aplasca na kaniyang nakausap ang pesonalidad na nahuli sa CCTV na may isinusubo umanong pera.

Dumepensa umano ang inaakusahan na ang kaniyang isinusubo ay tsokolate at hindi pera.

Subalit hind naniniwala si Aplasca dahil mahigpit nilang ipinagbabawal sa mga personnel nito na kumain sa lugar at hindi na kailangan pa ng tubig para itulak ang kinakain na tsokolate.

Sa kasalukuyan ay nasa preventive suspension ang sangkot na staff kasama ang supervisor nito at ilang personnel at sila ay mahaharap sa administrative case dahil sa ginawa nila.