-- Advertisements --

Hindi nasilaw ang isang airport porter sa malaking halaga ng perang laman ng pouch na napulot niya sa Ninoy Aquono International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos isauli ito.

Ang naturang pouch ay naglalaman ng $100 bills o nagkakahalaga ng P400,000.

Sa pahayag na inilabas ng Manila International Airport Authority, ang Pilipinong porter na nagpakita ng katapatan ay pinangalanang si Irwin Diana habang ang may-ari naman ng black na pouch ay isang Amerikano.

Naniniwala naman si Diana na kinakailangang ibalik talaga sa may-ari ang nakitang pouch dahil aniya hindi ito sakaniya at hindi niya pinaghirapan.

Kung matatandaan, kamakailan lamang ay may isa ring Pilipino na nagpakita ng katapatan at ibinalik ang 100 US bills na kaniyang nakita.

Samantala, natakdang bigyan ng pagkilala si Irwin Diana at Victor Perez sa isasagawang flag-raising ceremony ng MIAA sa darating na Mayo ng taong kasalukuyan