-- Advertisements --
ILOILO CITY – Muling binuksan ang Hamid Karzai International Airport sa Kabul, Afghanistan para sa evacuation flights.
Ito ay kasunod sang pagtakas ni Afghan President Ashraf Ghani matapos naagaw ng Taliban ang pamumuno sa bansa.
Ayon kay Bombo International Correspondent Lorena Aurelio, nagtatrabaho sa logistics company sa Kabul City, ang international airport sa kabisera ay nasa ilalim ng proteksyon ng foreign forces kabilang na ang libo-libong mga sundalo sa bansa na tumutulong para evacuation.
Anya, randam ang pagiging desperado, lungkot at panic sa paliparan.
Sa ngayon anya, libo-libong mga Afghans ang nasa paligid ng paliparan na umaasang makakasakay ng U.S. military plane.