Hiniling ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibitiw sa pwesto ni retired PNP General Mao Aplasca na siyang hepe ng Office of Transport Security.

“I am advising the OTS chief: submit your courtesy resignation before the House of Representatives tackle the budget of your office. Mag-resign ka na. Kung hindi ka magsa-submit ng resignation, ako mismo ang magba-block ng approval ng budget ng OTS,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Romualdez, bigo si Aplasca na mahinto ang sunod-sunod na anomalya na kinasasankutan ng ilang security personnel sa Ninoy Aquino International Aiport.

Babala ni Romualdez, hindi ipapasa ng Kamara ang budget ng tanggapan ni Aplasca hanggat hindi siya nagbibitiw sa pwesto.

Sabi ni Romualdez, makabubuting mag-resign na si Aplasca o kung hindi, ang House Speaker mismo ang haharang para hindi maapruhaban ang budget ng OTS.

Binigyang diin ni Romualdez, dapat isumite na ni Aplasca ang kanyang courtesy resignation sa ilalim ng prinsipyo ng command responsibility para mabigyang daan ang malawakang balasahan sa airport security office.

Matatandaan, nag-viral ang video ng isang security personnel nang tangkang lunukin ang 300-dollar bills na umanoy ninakaw sa isang pasahero sa NAIA.

Pinayuhan din ng House Speaker ai DOTr Secretary Jaime Bautista na bantayang mabuti ang kanyang bakuran.

Binigyang-diin din ni Speaker na naka-strike three na ang OTS chief at nagsawa na sila sa mga ulat na pagnanakaw at iba pang kontrobersiya na kinasasangkutan ng kaniyang mga tauhan.

Saad ni Speaker, hindi maaaring hayaang magpatuloy ang mga masasamang gawaing ito at iba pang maling pag-uugali sa paliparan. Ito ay masama para sa bansa at sa ekonomiya.