-- Advertisements --

Napuno ng tao ang mga paliparan sa India matapos na ipinagpatuloy na nila ang mga flights matapos ang dalawang buwan dahil sa coronavirus pandemic.

Unang naiulat na mayroong 100 flights ang kinansela subalit ipinagpatuloy pa rin ito matapos ang ilang oras.

Nagkansela naman ng mga flights ang Maharashtra state dahil doon ang lugar na may maraming mga kaso ng coronavirus ang naitala.

Dahil dito ay pinayagan lamang ang 50 flights sa isang araw.

Nagreklamo naman ang maraming mga pasahero na naantala ang kanilang flights kung saan pinakiusapan sila ng mga otoridad na magpa-reschedule na lamang.