-- Advertisements --

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi ititigil ng militar ang paglulunsad ng airstrike sa Marawi City.

Ito’y sa kabila ng pumalya muling airstrike sa lungsod kahapon ng tanghali na ikinasawi ng dalawang sundalo habang 11 ang sugatan.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na mahalaga ang kanilang gagawing airstrike sa
Marawi laban sa mga teroristang Maute na nagtatago sa mga matitibay na mga istruktura.

Kinumpirma ni Arevalo na suspendido ngayon ang ginamit na aircraft sa sumablay na airstrike.

Inihayag ng opisyal, na tuloy pa rin ang isasagawang airstrike ng iba pang air assets ng Philippine Air Force (PAF).

Hindi pa tinukoy ng AFP kung anong aircraft ang nagpakawala ng bomba na naging sanhi ng friendly fire.