Idinepensa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang operasyon ng militar sa Batangas lalo na ang inilunsad na airstrike laban sa New People’s Army (NPA).
Ayon kay Lorenzana, ang isinagawang airstrike ng militar sa Batangas ay depensa ng mga ito laban sa rebeldeng grupo.
Paliwanag ng kalihim na ginawa lamang ng militar ang nararapat sa operasyon dahil malakas pa ang puwersa ng NPA sa pakikipagsagupaan sa mga sundalo.
Binigyang-linaw nito na maingat ang kanilang operasyon at very precise ang target at malayo sa komunidad.
Sa kabilang dako, kaliwa’t-kanang batikos ang natatanggap ng militar mula sa ibat-ibang grupo dahil sa kanilang ikinasang airstrike sa lugar.
Kaninang umaga, ilang grupo ang nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Kampo Aquinaldo upang hilingin na itigil na ang airstrikes sa Batangas.