-- Advertisements --

Kumitil na sa kabuuang 1,802 katao ang mga pinakawalang airstrikes ng Israel sa Lebanon mula ng simulan ito noong Setyembre 16 base sa tally ng Health Ministry ng naturang bansa.

Karamihan sa mga nasawi ay sa southern Lebanon at Nabatiyeh. Habang pumalo na sa 9,330 ang bilang ng mga nasugatan kung saan naitala ang karagdagang injuries sa Beqaa region .

Ang panibagong pambobomba ay nagpatuloy nitong Linggo, kung saan naglunsad ang Israel ng strikes sa southern suburbs ng Beirut at sa mga bayan malapit sa border ng Lebanon at Israel.

Samantala nitong weekend din, nasawi ang nasa 87 katao sa inilunsad na airstrike ng Israel sa northern Gaza kung saan kabilang sa napatay ang mga bata.