Umaasa pa rin ang Team Philippines na maipapanalo nito ang huling laban sa FIBA 2023.
Ito ay nakatakda sa karibal na Team China at gaganapin bukas, Setyembre-2.
Ayon kay AJ Edu, kailangang ipagpatuloy lamang ng team Philippines ang laban kontra sa karibal na koponan.
Bagaman hindi naging maganda ang performance ng national team sa nakalipas na apat na game, umaasa ang Gilas forward na magiging paborable na sa Pilipinas ang naturang laban.
Nagpapasalamat naman ang Gilas Player sa patuloy na pagsuporta ng mga Pilipino sa national team sa likod ng sunod-sunod na pagkatalo.
Ayon kay Edu, mataas pa rin ang ipinapakitang suporta ng mga pinoy fans, mula simula hanggang sa kasalukuyan.
Sa classification phase ay nakahanay ng Pilipinas ang ang Angola na kasama nitong nalaglag mula sa Group A, kasama ang China at South Sudan na kapwa nalaglag sa Group B.
Pero hindi katulad ng Gilas, nakapagbulsa na ang Team China ng isang panalo, matapos pataubin kahapon ang team Angola.