-- Advertisements --
Muling pinatunayan ng sexy actress AJ Raval na pawang mga tsismis lamang ang lumabas na balitang nagdadalantao na siya.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng mga larawan na habang nakasuot ng puting bikini.
Wala namang captions na inilagay ang 21-anyos sexy actress sa mga larawan.
Hindi rin nito binanggit kung kailan o saan ito kinunan.
Magugunitang pumutok ang balitang buntis umano ang actress mula sa umanoy nobyo nitong si Aljur Abrenica na makailang beses nitong pinabulaanan.