-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng actress na si AJ Raval ang kaniyang pagtatapos sa high school.
Sa kaniyang social media account, nagpost ang 22-anyos na sexy actress ng larawan habang ito ay nakasuot ng toga.
Nagtapos ang actress sa pamamagitan ng Alternative Learning System sa San Fernando, Pampanga Division nitong Hulyo 21, 2023.
Sinabi ng kaniyang kapatid na si Drizzy Ace Raval na nais na kumuha ng abogasya ang actress.
Kasabay ng actress na nagtapos sa senior high school ang isa nilang kapatid na si Gaiv.