Naglunsad ng kilusan ang Akbayan partylist umaga ng Agosto 25, isang araw bago ipagdiwang ang Araw ng mga Bayani.
Nagsagawa sila ng West Philippine Sea (WPS) Heroes and Traitors gallery kaugnay sa patuloy na iringan ng Chinese Coast Guards at Philippine Coast Guard (PCG) sa WPS.
Kasama ang ilang miyembro ng kanilang sector na Akbayan Youth, nagbigay pagkilala sila sa mga nagtataguyod protektahan ang seguridad ng bansa at ang mga lider na nakikiisa sa pakikibaka laban sa mga sumasalakay sa nasyon.
Kabilang sa kanilang mga kinikilala bilang bayani ay sina Sen. Risa Hontiveros, Ka. Nards Cuaresma, dating Supreme Court Justice Antonio Carpio at Si dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III.
Binigyang pugay din nila ang tropa ng Philippine Coast Guards na buong tapang humaharap sa mga chinese vessels sa WPS. Kasama rin ang mga mangingisda na buong tapang pa din na naghahanap buhay sa katubigan ng WPS sa kabila ng malaking banta nito sa kanilang mga buhay.
Samantala, kabaliktaran ng pagbibigay pakilala sa mga ito ay ang siya namang pagtuligsa sa mga politikong traydor umano sa sariling bansa.
Kabilang sa mga ito ay sina dating Pangulo Rodrigo Duterte, anak nitong si Bise Presidente Sara Duterte at ang mga senador na sila Sen. Robinhood Padilla at Sen. Bong Go.
Sinabi sa pahayag ni Akbayan Party President Rafaela David na ang pagbibigay proteksyon at suporta sa West Philippine Sea ay isang halimbawa ng pagkamakabayan at pagkabayani. Kinomenda niya ang mga tao nasa likod ng mga suporta at ang mga patuloy na nakikibaka sa isyu sa naturang lugar.
Samantala, muli namang nanawagan si david sa pamahalaan na mas paigtingin pa ang pakikipag ugnayan ng Pilipinas sa iba pang bansa upang masiguro ang kapayapaan at malayang paglalayag sa katubigan ng WPS.