KALIBO, Aklan – Hindi pabor ang gobernador ng Aklan sa pagpapatayo ng dalawang kilometrong tulay na magkokonekta sa isla ng Boracay patungong mainland Malay.
Ayon kay Governor Florencio Miraflores, ipinaabot na niya sa pulong ng Boracay Inter-Agency Task Force ang hindi pagsang-ayon sa proyekto na iminungkahi ng San Miguel Corporation.
Sa tingin umano niya ay mawawala ang ganda ng isla kapag magkaroon ng tulay.
Sa halip, nais umano niyang magpatayo ng Integrated Port Terminal na may kompletong pasilidad at maka-accommodate ng mga pasahero ng cruise ship.
Kasama dito ang pag-aayos ng pantalan na gagawing all-weather ports na maaring madaungan ng mga motorbanca at fast crafts kahit habagat season na 24/7 ang operasyon.
Samantala, balak rin ng provincial government na ayusin ang 6,000 square-meter na lugar katabi ng wetland no. 6 para sa mga vendors at mga masahista.