-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Inirekomenda ng Department of Health Western Visayas sa National Inter-Agency Task Force na isailalim sa Alert Level 3 ang lalawigan ng Aklan.

Batay sa datus ng DOH 6, nasa ‘high risk’ na ang probinsiya dahil sa biglang pagtaas ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo.

Kailangan umanong itaas ang quarantine status sa Aklan, upang malimitahan ang galaw ng mga tao.

Ang Aklan ay inilagay sa Alert Level 2 hanggang Enero 15, 2022.

Sa kabila nito, bahagya lamang naman ang pagtaas ng heathcare utilization rate sa lalawigan.

Sa kasalukayan ay hinihintay pa ang anunsyo ng IATF kung maisasakatuparan ang rekomendasyon ng DOH-6.

Mayroon nang 292 na aktibong kaso sa Aklan simula Marso 27, 2020 hanggang Enero 11, 2021 base sa datos ng Aklan Provincial Epidimiology Unit. Sa naturang bilang, 263 dito ang naka-facility quarantine, 19 ang naka-home quarantine at 10 ang admitted sa ospital.

Simula ng pumutok ang pandemya, nakapagtala ang Aklan ng 12,962 na kaso, kung saan, 12,344 ang gumaling at 326 ang nasawi.