KALIBO, Aklan – Muling nakapagtala ang lalawigan ng Aklan ng isang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dr. Jane Juanico, head ng Department of Health (DOH) Region 6 na apat na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan.
Dagdag pa nito na ang 44-anyos na pasyente ay residente ng Altavas, Aklan, at nagtatrabaho sa isang tanggapan ng pamahalaan sa Capiz at may travel history sa Maynila.
Naka-admit ito sa Roxas Memorial Provincial Hospital sa Roxas City, Capiz at nasa stable condition na.
Ang Aklan ay may 60 persons under investigation (PUI) o mga indibidwal na may nararamdamang sintomas ng COVID-19.
Umaapela si Dr. Juanico sa mga mamamayan na sundin muna ang “stay-at-home” order at huwag balewalain ang virus.
Dahil sa apat na panibagong kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, umakyat na sa 22 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit, kung saan, dalawa dito ay namatay na.