-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Pumalo na sa kabuuang 2,647 ang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa probinsya ng Aklan mula ng magsimula ang pandemya.

Base sa datos na pinalabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ng Provincial Health Office, ito ay matapos na madagdagan ng nasa 145 ang bagong kaso ng deadly virus.

Sa kabila nito, nakapagtala naman ng 43 na bagong gumaling dahilan upang umakyat na sa 2,144 ang total recoveries.

Samantala, may naiulat rin na pitong bagong namatay na kinabibilangan ng Case No. 2080 mula sa bayan ng Banga, Case No. 2292 ng Malay, Case No. 2334 at Case No. 2442 ng Kalibo, Case No. 2463 at Case No. 2465 ng Ibajay at Case No. 2641 ng bayan ng Numancia.

Dahil dito, umabot na sa 64 ang bilang ng mga namatay matapos dapuan ng COVID-19 infection.

Sa ngayon ay mayroon pang 439 na aktibong kaso ang lalawigan na kinabibilangan ng 362 na naka-facility quarantined, 49 na admitted sa Aklan Provincial Hospital at 28 na naka-home quarantined.