-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nakaantabay pa rin ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa 17 bayan sa lalawigan ng Aklan upang i-monitor ang kasalukuyang sitwasyon ng mga ilog at ng mga nasa low lying areas dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong Jolina.

Nananatili sa tropical cyclone wind signal number 1 ang buong lalawigan kung saan, nakaranas ng hanggang gutter deep na pagbaha ang ilang kalsada sa bayan ng Kalibo.

Nakaalerto rin ang mga emergency response team at mahigpit ang bilin ng mga ito sa mga residenteng nakatira sa mga mababang lugar na kaagad lumikas sakaling tumaas ang tubig-baha.