-- Advertisements --

KALIBO, Aklan-Walang pagsidlan ng tuwa ang Aklanon athlete makaraang masungkit nito ang pilak na medalya sa larong pencak silat sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games 2019.

Itinuturing ni Mary Francine Padios, 16, at residente ng Barangay Old Buswang, Kalibo, Aklan na “answered prayer” ang pagkalahok nito sa SEA Games kahit na “unexpected” ang kanyang pagkapanalo.

Aniya, sa kaniyang mga magulang umano siya humugot ng lakas ng loob upang maipanalo ang bansa.

Ang grade 10 student ay nag-eensayo lamang para sa nalalapit na West Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet 2020 ngunit dahil sa knee injury ng Aklanon pencak silat athlete na si Cherry Mae Regalado ay siya ang humalili at maswerteng naging silver medalist.