-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nasungkit ng Aklanon fashion designer ang Best Traditional Design Awardee sa ginanap na Precious of Malaysia International Cultural Fashion Week 2024.

Naging inspirasyon ni Ryan Salazar Lopez ang mga nakikitang scarecrows sa palayan na ginawang mga disenyo sa kaniyang collection na inilaban sa Cultural Fashion Week sa bansang Malaysia.

Agaw-pansin ang mga desinyo ni Lopez dahil siya lamang ang gumamit ng handmade material sa 18 mga kalahok kung kaya’t napahanga nito ang mga hurado at nakilala ang lalawigan ng Aklan sa nasabing event.

Dagdag pa ni Lopez na napabilib nito ang mga foreign designers dahil maliban sa piña fiber ay gumamit din siya ng buri at abaka.

Sa kasalukuyan ay unti-unting nakikilala ang pangalan ni Lopez sa international level bilang fashion designer.