-- Advertisements --
Victoriano
Rhiann Dal Victoriano

KALIBO, Aklan- Humakot ng tatlong ginto at isang pilak na medalya ang isang estudyante mula sa lalawigan ng Aklan makaraang manalo sa kakatapos lamang na 23rd World Championships Of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Long Beach, California.

Si Rhiann Dal Victoriano na tubong Batan, Aklan kasama ang kaniyang trainer na si Aliw-iw Pioquinto-Regalado ay naiuwi sa bansa ang apat na medalya matapos na mag-kampeon sa WCOPA 2019.

Nasungkit ni Victoriano ang gintong medalya sa Broadway, Gospel at Opera Category habang silver medalist naman ito sa Open Category.

Kinatawan ni Victoriano ang bansa kabilang ang mahigit 100 mga Pinoy singer, musician, dancer, variety artist, actor at mga model sa naturang event na ginanap mula Hulyo 12 hanggang 23, 2019.