KALIBO, Aklan— Ikinatuwa at ipinagpasalamat sa Diyos ng nag-iisang Aklanon na napabilang sa top 5 passer ng June 2019 Nurse Licensure Examination na ipinalabas ng Professional Regulation Commission (PRC) kamakailan.
Ayon Joseph Dann Enero Jr., masarap umano sa pakiramdam na siya ang kumatawan sa lalawigan ng Aklan sa prestihiyosong eksaminasyon na pinapangarap ng karamihan.
Aniya, naging inspirasyon nito ang kanyang mga magulang na sina Mr. Joseph Dann Enero Sr. at Mrs. Janet Enero na kapwa nagtatrabaho sa California, USA.
Hindi umano nito binigo ang mga magulang na lubusang nagtiwala sa kanyang kakayahan at nalampasan pa ang kanilang “expectationsâ€.
Ibinahagi rin ni Enero ang kanyang sikreto sa pag-aaral hanggang sa nakamit ang matagal ng pinapangarap na maging registered nurse.
Si Enero ay tubong Barangay Dongon East, Numancia, Aklan.
Nagtapos siya ng elementarya sa Starglow Center for Academic and Arts at nag-aral ng sekondarya sa Regional Science High School for Region VI sa bayan ng Kalibo.
Samantala, tinapos naman nito ang kursong nursing sa West Visayas State University-La Paz at naging top 5 sa rating na 86.60% sa kabuuang 5,059 passers sa naturang licensure examination.