-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ipinagmalaki ni Fr. Joesilo Amalla, ang local historian sa Butuan City ang nakatakdang pagsisimula na sa pag-imprenta sa kopya sa sinulat nitong aklat na magpapatunay na dito sa Butuan City isinagawas ang unang misa sa Pilipinas.

May kaugnayan ito sa ika-52nd na anibersaryo sa unang misa sa Pilipinas kungsaan kanina ay nagsasagawa ng Misa sa Bood Promontory Eco-Park sa Barangay Pinamanculan, Butuan City.

Ayon kay Fr. Amalla na pagkatapos sa semana santa, sisimulan na ang pag-imprenta sa isang libo na kopya sa nasabing aklat na may titulong“An island they called Mazaua” kungsaan 30 taon nitong isinulat.

Ayon sa nasabing historian ay aabot sa mahigit dalawang milyon pesos ang inilaan sa pag-imprenta sa aklat na ipapalabas sa publiko bago paman ang kapistahan sa Butuan ngayong Mayo.

Ang nasabing aklat, na may 700 na pahina at mahigit 3 kilo ang bigat, ay nagpapakita sa lahat ng ebidensiya na ginawa sa isla sa Mazaua sa Butuan City ang unang Misa at hindi sa Limazawa, sa Leyte.

Kinuwestiyon pa nito ang mga malalaking unibersidad sa Manila na kung tunay ang kanilang claim na sa Leyte ang unang misa, bakit hindi man lang sila makagawa ng kaparehong makapal na aklat.