-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Sigurado na umano ang dalawang upuan sa Kongreso para sa Ako Bicol Party-list.

Subalit ipinaglalaban pa rin ng partido ayon kay AKB Party-list Representative Alfredo Garbin Jr. ang maximum of three seats lalo pa at nakakuha ito ng nasa 4% na boto.

Kung susundin aniya ang maximum ratio ng boto, hindi imposibleng mangyari na mabigyan ng tatlong upuan sa Kamara ang partido na nakaabot sa naturang percentage.

Paliwanag ng mambabatas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, mayroong formula kung kaya nakabase lamang sa isusumiteng computation.

Sa kabila nito, aminado si Garbin na nananatiling ang Commission on Elections (Comelec) pa rin ang makakapag pasya sa naturang usapin.

Sakaling hindi payagan ang three-seat spot para sa party-list, si Garbin at AKB Founder Elizaldy Co ang uupo sa posisyon.