Tahasang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na sinadya, hindi aksidente at hindi misunderstanding ang nangyaring insidente sa Ayungin Shoal nuong June 17,2024 kung saan isang navy personnel ang naputulan ng daliri dahil sa agresibong aksiyon ng China Coast Guard.
Sinabi ni Teodoro, batay sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi nagbabago ang polisiya ng Pilipinas hinggil sa isyu sa West Philippine Sea at kailanman hindi isusuko ng Pilipinas kahit isang pulgada ng ating teritoryo.
Ayon sa kalihim kailanman hindi magpapasupil at magpapa api ang Pilipinas kaninuman.
Inihayag ni Teodoro na ipagpatuloy ng militar na depensahan ang ating teritoryo at ipatupad ang sovereign rights ng bansa.
Hindi rin kailangan na humiling ng permiso kaninuman sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin partikular sa West Philippine Sea.
Giit ni Teodoro na magpapatuloy ang rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal.
Aniya, mahalaga ang kapakanan ng mga sundalo na naka station sa BRP Sierra Madre.